Idinaos ng PhilHealth ang Policy Dialogue on Social Health Insurance noong Nobyembre 6, 2025 sa Bayview Hotel, kasama ang mga political officers, HR, at Medical Bureau ng Senado ng Pilipinas.
Layunin ng aktibidad na palalimin ang pag-unawa sa social health insurance bilang mahalagang haligi ng Universal Health Care (UHC).
Sa pamamagitan ng mas mataas na kamalayan ng mga kawani ng Senado, mas mapagtitibay ang teknikal na gabay na naibibigay sa mga mambabatas para sa paggawa ng mga batas na sumusuporta sa misyon ng UHC — isang sistemang pangkalusugan na tunay na para sa lahat ng Pilipino.
Sama-sama nating isulong ang isang bansang may malasakit, may kaalaman, at may akses sa kalusugan! #MyPhilHealth #SagotKaNgPhilHealth
