Pinangunahan ng Prime Alliance of Publisher’s, Editor’s and Reporter’s (Ph) Inc. ang simpleng Outreach Project nila sa Sitio Nambabakalan, Brgy. General Luna, Rizal, Nueva Ecija. Katuwang ng PAPER.PH, INC. ang walang sawang kasama palage na mga kasundaluhan mulavsa hanay ngvTactical Operations Group 3 Philippine Air Force na nasa liderato ni Col. Juji Grant D. Generalao PAF (GSC), Group Commander – nakabase sa Camp Servillano Aquino sa Brgy. San Miguel, Tarlac City. Ang Face to Face Church ay siyang nangangalaga sa espirituwal na parte at palagiang tumutulong sa mga residente dito ilang taon na ang nakakaraan hangga ngayon. Nakapaghandog ang grupo ng mga school kits na may kasamang sabon, toothbrush at toothpaste para sa mga batang mag-aaral at ganun din naman para sa mga magulang nila na inabutan ng planggana, tabo at mga hangger. Namilibdin ng mga damit, sapatos at bags ang mga bata at mga magulang nila upang mayroong mga pampalit sa mga dati nilang kasuotang panglakad at pambahay. Nagdala din ng mga pagkain ang grupo merienda at pananghalian para sa mga dumalong kumunidad na palagiang bitbit at dala-dala ni Ma’am Sharry Ann Santos Ganareal at minsan sa isang buwan niyavitong ginagawa. Masaya at naging kapakipakinabang ang buong maghapon ng tatlong grupo upang makapaghatid ng munting saya at ligaya sa mga residente dito. Tugon naman ng mga nabiyayaan ng mga dalang packs of hygiene kits at school kits kasama pa mga damit, sapatos at bags ay sana di’umano huwag magsawa ang mga taong nagsusumikap para ibangon sila sa kahirapan kahit sa mga mumunting kakayanan na mayroon sila upang ibahagi sa kanila at sabi pa ng mga residente sa bundok doon sa Rizal “baunin po ninyo sa inyong pag-uwi sa inyong mga tahanan ang aming panalangin sa POONG DIYOS na bigyan pa kayo ng mahabang buhay at biyaya upang maipagpatuloy ang maganda ninyong adhikaing makatulong sa kapwa naming salat sa yaman”.
