Higit pa sa isang paligsahan, naging makabuluhang plataporma ang 2026 Luzon Cluster B Sportsfest upang patatagin ang pagkakaisa, disiplina, at kolaborasyon ng mga kawani ng Agricultural Training Institute sa Luzon.
Sa tatlong araw na kompetisyon na pinangunahan ng ATI MIMAROPA Regional Training Center (RTC), ipinamalas ng DA-ATI CALABARZON, sa pangunguna nina Center Director Rolando V. Maningas at Assistant Center Director Sherylou C. Alfaro, ang aktibong pakikilahok at matatag na suporta sa pagpapalakas ng samahan ng mga RTCs mula CALABARZON, MIMAROPA, ITCPH, at Bicol Region.
Nagbunga ang ipinakitang dedikasyon ng delegasyon ng ATI CALABARZON sa iba’t ibang larangan ng palakasan at sining. Nakamit nito ang 4th Runner-up sa cheerdance competition, nagwagi ng 3rd runner up sa volleyball women laban sa Bicol Region, at itinanghal na kampeon sa volleyball men at sa music and dance events kabilang ang girl/boy band group at dance sport na rumba.
Gayunman, nagpakita ng konsistent na pagganap ang delegasyon sa iba’t ibang larangan ng kompetisyon na nagresulta sa mga sumusunod na tagumpay:
- Badminton (Men’s Category)– 3rd Place
- Badminton (Women’s Category) – 4th Place
- Badminton (Mixed Doubles Category) – 3rd Place
- Table Tennis (Men’s Category) – 2nd Place
- Table Tennis (Women’s Category) – 4th Place
- Table Tennis (Mixed Doubles Category) – 4th Place
- Scrabble (Men’s Category) – 2nd Place
- Scrabble (Women’s Category) – 4th Place
- Darts (Men’s Category) – 2nd Place
- Darts (Women’s Category) – 3rd Place
- Chess (Men’s Category) – 2nd Place
- Chess (Women’s Category) – Champion
- Amazing Race – 3rd Place
- Basketball (Men’s Category) – 3rd Place
- Basketball (Women’s Category)– 2nd Place
Bunsod ng magkakasunod na panalo at mataas na puntos sa iba’t ibang kategorya, iginawad sa DA-ATI CALABARZON ang 1st Runner-up sa Overall Ranking sa awarding ceremony na ginanap sa huling gabi ng sportsfest. Naging simbolo ang sportsfest ng patuloy na paghubog ng disiplina, pagtutulungan, at kahusayan sa hanay ng mga kawani ng ATI.
Sa seremonya ng pagtatapos, pormal na ipinasa ng host region na ATI MIMAROPA, sa pamamagitan ni Mr. Pat Andrew Barrientos, ang sulo ng pamumuno sa DA-ATI CALABARZON, na tinanggap ni Dr. Maningas bilang susunod na RTC na magho-host ng Luzon Cluster B Sportsfest sa susunod na tapn. Ang makasaysayang pagpapasa ng sulo ay sumisimbolo sa tiwala at pananagutan tungo sa mas matatag na koordinasyon at mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa sektor ng agrikultura.
Writer: Eloisa A. Mariano, TSS IV – IS Section
